Posts

Showing posts from December, 2018

Nakawala sa bagsik ng digmaan.

Nabulabog ang mga bansang kasapi ng European Union (EU) matapos bigyan ng 60-araw na taning ng Estados Unidos ang Russia kaugnay sa sandatang- nukleyar. Babala ng Washington, kakalas sa 1987 Intermediate Range Nuclear Force (INF) Treaty kung hindi iaatras ng Moscow ang “cruise missile system.’ Hiniling sa Russia at Eastados Unidos ni Federica Mogherini, EU Diplomatic Chief na iligtas ang mundo sa kaguluhan. Panatilihin ang INF Treaty na nagbigay sa Yuropa ng kapayapaan at katatagan sa nakalipas na 30-taon. Dahil sa ‘arms control treaty’ na nilagdaan nina dating Soviet Leader Mikhael Gorbachev at US President Ronald Reagan 1987, nalusaw ang ‘cold war.’  Umiral ang kapayapaan, hindi lamang sa Yuropa kundi sa buong mundo. Bago ang 1987 INF Treaty, hinog na hinog ang posibilidad ng “nuclear war" sa panahong ito.  Ang Yuropa ay nahati sa East at West. Ang East ay kaalyado ng dating Unyong Sobyet na ngayon ay Russia. Ang West naman ay mga bansang kaalyado ng Estados Unidos.