Nakawala sa bagsik ng digmaan.




Nabulabog ang mga bansang kasapi ng European Union (EU) matapos bigyan ng 60-araw na taning ng Estados Unidos ang Russia kaugnay sa sandatang- nukleyar.

Babala ng Washington, kakalas sa 1987 Intermediate Range Nuclear Force (INF) Treaty kung hindi iaatras ng Moscow ang “cruise missile system.’

Hiniling sa Russia at Eastados Unidos ni Federica Mogherini, EU Diplomatic Chief na iligtas ang mundo sa kaguluhan. Panatilihin ang INF Treaty na nagbigay sa Yuropa ng kapayapaan at katatagan sa nakalipas na 30-taon.

Dahil sa ‘arms control treaty’ na nilagdaan nina dating Soviet Leader Mikhael Gorbachev at US President Ronald Reagan 1987, nalusaw ang ‘cold war.’ 

Umiral ang kapayapaan, hindi lamang sa Yuropa kundi sa buong mundo.

Bago ang 1987 INF Treaty, hinog na hinog ang posibilidad ng “nuclear war" sa panahong ito. 

Ang Yuropa ay nahati sa East at West. Ang East ay kaalyado ng dating Unyong Sobyet na ngayon ay Russia. Ang West naman ay mga bansang kaalyado ng Estados Unidos.

Ang Germany ay pinaghatian din ng Moscow at Washington hindi pwedeng tumawid basta sa ‘Checkpoint Charlie’ na nasa Berlin ng walang pahintulot o koordinasyon, kundi itutumba ng ‘sniper bullet’ na nakaposisyon sa “Berlin Wall."

Ang Timog Silangang Asya o Southeast Asia  ay naging ‘teatro’ naman ng ‘proxy war’ ng Estados Unidos at ng dating Unyong Sobyet. Ang “biological weapon” ay sinubukan ang katagang ‘agent-orange’ ay ginamit ng Pentagon sa Vietnam.

Sa mga panahong ito ang 13th Air Force Base ng Estados Unidos ay nasa Clark Air Base sa Pampanga, samantalang ang pwersa naman ng dating Unyong Sobyet ay nasa  Cam Ranh Bay, Vietnam.

Dahil sa tratadong nilagdaan nina Gorbachev at Reagan, nabago ang ihip ng hangin, umiral ang kapayapaan. Bagama’t hindi lubusan, ang banta ng tinatawag na ‘nuclear annihilation’ ay nawala.

Ang mga bansa sa rehiyon tulad ng Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Indonesia, Singapore at Thailand kabilang na ang Pilipinas ay nakinabang sa 1987 Treaty. Nakawala sa ‘bagsik’ ng digmaan.


0000

Ngayon ang multo ng ‘nuclear holocaust’  ay muling mabubuhay resulta ng banta ng Estados Unidos na kumalas sa 1987 INF Treaty.

Isa lamang ang gustong mangyari ni Uncle Sam, makagawang muli ng ‘mapaminsalang sandata’ laban sa sangkatauhan na hindi nagawa dahil sa tratado.

Sa udyok ng ‘military industrial complex’ ang mga armas na gagawin ng mga Kano ay hindi lamang para sa Yuropa na ang target ay ang Russia, kundi nakatutok din sa Asya at Pasipiko, ang target, China.

Tama lamang ang panawagan ng European Union, iligtas ang mundo, panatilihin ang 1987 INF Treaty na gustong patayin ni Uncle Sam.


-30-

Break A Leg
Nakawala sa Bagsik ng digmaan
07 December 2018


Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES