Sinopharm talaga
Sinopharm talaga Naturukan na ng unang dose ng bakuna ang Pangulong Dutere. Bakunang Sinopharm mula sa China ang itinurok sa Presidente. Katulad ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang Sinopharm ay pinayagan magamit sa Pilipinas dahil sa 'compassionate use' na ipinagkaloob Food and Drug Administration at wala pa ito tinatawag na 'emergency use authorization' o EUA. Noon pa man sa mga pahayag ng Pangulo makikita ang pagkiling ng Presidente sa Sinopharm. Walang masama rito. Dapat lang ligtas ang Pangulo sa anumang banta lalo sa kanyang kalusugan. Tiyak bago pa mang naiturok ni Health Secretary Francisco Duque ang bakuna sa Presidente ay inaprobahan na ito ng mga doktor ng pangulo. Ngayon nakabunahan na si Pangulong Duterte, kailan naman kaya susundo ang ikalawang Pangulo Leni Robredo? 0000 Sa ngayon tanging Sinovac, AstraZeneca at ang pinakahuli ay ang Sputnik V ng Russia ang pinapayagang maiturok sa mga Pilipino. Ang ...