Posts

Showing posts with the label Boses

Ang daming boses

Ano kaya ang sinasabi ng gobyerno ng mga bansang may 'claim' sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea sa bangayan ng ating mga opisyal na humantong sa hamunan ng debate?   Marahil pinagtatawanan tayo.   Saan ka naman nakakita, ang ating mga opisyal na mga aral at napakaraming titulo sa pagiging dalubhasa ay parang mga bata na nagbabangayan, nagtatalo at naghahamunan. Kapag may kumasa, laban-bawi. Ano ba yan.   Hindi ba pwedeng magkaroon na lamang ng iisang boses pagdating sa kapakanan ng bayan, tulad sa West Philippine Sea (WPs)?   0000 Ano ba ang mahalaga ngayon sa mga Filipino?   Una, mabakunahan para makatawid laban sa Covid-19.    Nais ng nakararami na maibalik ang dating sigla ng kanilang buhay. Walang agam-agam na mahahawa o makahawa ng virus.    Ang kalaban ay nasa loob. Nasa pintuan ng bawat Filipino.  Asikasuhin muna ang pangloob na problema. Palakasin ang depensa sa bakuran laban sa Covid, magkaroon ng bakuna ang laha...