Posts

Showing posts with the label eleksiyon

Mga sundalo mananatili sa 'area of assignment' - Zagala

Image
Dateline Kamuning Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na ang matibay at magandang ugnayan ng iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng AFP,  Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang naging susi upang magtagumpay ang Hatol ng Bayan 2022. Samantala,  pinapurihan din ni AFP Spokesman, Col. Ramon Zagala ang mga guro na agad ipinaalam sa mga awtoridad ang mga aktibidad na maaaring maging banta sa seguridad. Bagaman tapos na ang halalan sa maraming lugar sa bansa, sinabi ni Zagala na patuloy pa ring nagbabantay ang mga sundalo, partikular sa mga lugar na itinuring na ' hot spots at areas of concern.' Ayon kay Zagala, nanatiling nasa 'area of assignment' ang aabot sa 70,000 mga sundalo na binubuo ng Air Force, Navy at Army hangang sa matapos ang bilangan at proklamasyon ng mga nanalo sa eleksiyon.

COVID-19 vaccination sites, itatayo malapit sa mga polling center

Image
  Dateline Kamuning   Nakatakdang maglagay ng vaccination booth ang Department Of Health (DoH) laban sa COVID-19  malapit sa mga polling center sa araw ng eleksiyon. Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang panukala ng DoH sa layong mailapit sa mga tao ang pagbabakuna lalo na sa mga hindi pa nakakakumpleto sa kanilang primary series o wala pang booster shots. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga vaccination sites ay dapat na 30 metro ang layo mula sa mga voting precinct.   Kinakailangan lamang magdala ng mga botante na magpapabakuna ng kanilang vaccination card at valid ID.     Bukod dito, magtatayo rin ang DOH ng mga health stations malapit sa mga polling precincts para agad na makaresponde sa mga botanteng masama ang pakiramdam.