Posts

Showing posts with the label canvassing

Kampo ni BBM ipababasura ang disqualfication proceeding sa Korte Suprema

Image
    Ipababasura ng kampo ni incoming President Bongbong Marcos Jr.,   ang petisyon ng grupong dumulog sa Korte Suprema na nais na ipadiskwalipika si BBM. Ayon kay Atty Estelito Mendoza, abugado ni BBM, ito ang kanilang magiging sagot sa kautusan ng Mataas na Hukuman na magkomento ang mga partido sa usapin. Ayon kay Atty Mendoza, katulad ng naunang desisyon ng dibisyon at En Banc ng Commission on Elections (Comelec)   ang disqualification proceeding laban sa kanyang kliyente ay ibininasura lamang. Magugunita na dumulog sa SC sina Atty Theodore Te at iba pang biktima ng Batas Militar sa panahon ng rehimeng Marcos   (ama ni BBM) na humihiling sa Korte Suprema na ipatigil ang Congressional Canvassing habang dinidinig ang kanilang apela. Samantala, sinabi naman ng liderato ng Senado, kapwa mula kay Senate President   Tito Sotto at Minority Leader Franklin Drilon na hindi maaring ipatigil ang canvassing at malamang na humantong ito sa ‘constitutional cr...

Proklamasyon ng mga nanalong party list group, sinuspendi

Image
    Sinuspinde ng Comelec ang dapat sana’y proklamasyon ng mga nanalong partylist group. Napagpasyahan ng Comelec en banc na siyang umuupong National Board of Canvassers na i-adopt ang rekomendasyon ng Supervisory Committee na iantala ang proklamasyon at hintayin muna ang certificate of canvass mula sa Lanao Del Sur. Nakasaad sa rekomendasyon na malaki ang magiging epekto ng mga boto na hindi pa na-transmit mula sa naturang probinsya sa pagtukoy ng mga mananalong partylist groups at bilang ng entitled seat. Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia na hindi tulad ng mga nanalong senador,   kumplikado ang bilangan sa partylist at maaaring makaapekto sa ranking ang resulta ng botohan sa Lanao Del Sur.