Benny Laguesma at "Toots" Ople kinausap ni BBM

Inalok ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Labor Secretary Benny Laguesma at Susan “Toots” Ople na maging bahagi ng kanyang administrasyon. Ito ang kinumpirma Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ng incoming-president. Ayon kay Rodriguez, bago bumiyahe patungong Australia kinausap ni Marcos si Laguesma at inalok na pamunuang muli ang Department of Labor and Employment (DOLE). Si Ms. Ople naman ang napaulat na itatalaga ni BBM bilang kalihim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers. Sa ngayon, wala pang desisyon sina Laguesma at Ople at humiling muna ng panahon para konsultahin ang kanilang mga mahal sa buhay.