Posts

Showing posts with the label Robredo

Gibaan na

  Hindi na talaga mapipigilan.   Magkakapartido at magkakaalyado naglalaglagan na kung hindi man ay nagigibaan. Mapa-administrasyon at mapa-oposisyon talaga naman, kitang-kita na ang kanilang pagkakahati. Sa administrasyon, bagama't wala pang opisyal na line-up, ginigiba na ngayon si Senador Manny Pacquiao. PDP Laban si Pacman at napapaulat na may ambisyon  sa 2022. Hindi pa man ginigiba na ng kanyang mga kapartido dahil sa pahayag ng Pambansang Kamao sa West Philippine Sea, na taliwas sa posisyon ng Pangulong Duterte. Bago pa man ang pahayag ni Pacquaio, umalingasaw na ang pagkakahati-hati sa PDP Laban, mayroong grupong pabor at laban kay Pacquiao. 0000 Sa hanay naman ng oposisyon, hindi maganda para sa mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo ang pinakahuling pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na nagsasabing interesado ang ikalawang Pangulo sa pagiging gobernador ng Camarines Sur. Ayon kay Trillanes, handa siyang maging manok ng oposisyon sa 2022 ele...

Sinopharm talaga

  Sinopharm talaga    Naturukan na ng unang dose ng bakuna ang Pangulong Dutere.   Bakunang Sinopharm mula sa China ang itinurok sa Presidente. Katulad ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang Sinopharm ay pinayagan magamit sa Pilipinas dahil sa 'compassionate use' na ipinagkaloob Food and Drug Administration at wala pa ito tinatawag na 'emergency use authorization' o EUA. Noon pa man sa mga pahayag ng Pangulo makikita ang pagkiling ng Presidente sa Sinopharm. Walang masama rito. Dapat lang ligtas ang Pangulo sa anumang banta lalo sa kanyang kalusugan.   Tiyak bago pa mang naiturok ni Health Secretary Francisco Duque ang bakuna sa Presidente ay inaprobahan na ito ng mga doktor ng pangulo. Ngayon nakabunahan na si Pangulong Duterte, kailan naman kaya susundo ang ikalawang Pangulo Leni Robredo?   0000 Sa ngayon tanging Sinovac, AstraZeneca at ang pinakahuli ay ang Sputnik V ng Russia ang pinapayagang maiturok sa mga Pilipino.    Ang ...