Posts

Showing posts with the label SSS

Silipin ang sweldo ng mga opisyal ng SSS.

Kung hindi makakagawa ng paraan ang pamunuan ng Social Security System o SSS, walang maaasahang dagdag-pensiyon ang mga retiradong miyembro. Ayon sa SSS malabong maibigay sa sususunod na taon ang P1,000 dagdag-pensiyon, dahil maapektuhan ang pinansiyal na katatayuan ng ahensiya. Kapag ipinilit, sinabi ni Atty. Emmanuel Dooc, Presidente at CEO ng SSS, tatagal na lang ng 7-taon ang pondo ng ahensiya. Isa sa mga nakikitang paraan ni Atty Dooc para mapahaba ang buhay ng pondo ng SSS ay taasan ang kontribusyon ng mga miyembro mula 1.5 percent hanggang 3-percent.   Kapag ito’y naipatupad, madadagdagan ang pondo ng ahensiya ng P68-B hanggang P136-Bilyong piso. 0000 Bakit ang SSS o kaya ang PhilHealth, kapag pinaguusapan ang karagdagang benepisyo ang laging nasa kukote ay dagdagan ang kontribusyon ng mga miyembro? Ano ang ginagawa ng mga lupaing pag-aari ng SSS na nakatiwangwang lamang, bakit hindi ibenta para mapakinabangan? Bakit laging miyembro ang pumapasan kung nadidiska...