Posts

Showing posts with the label Cayetano

Mag-ingat sa mga nang-uudyok.

Uminit na naman ang isyu ng West Philppine Sea matapos lumutang ang usapin sa ‘60-40 arrangement’ sa pagitan ng Pilipinas at China para sa ‘joint exploration’ ng lugar na pinaniniwalaang mayaman sa deposito ng langis. Mismong si dating Pangulong Aquino at Bise Presidente Leni Robredo ang humihingi ng paliwanag sa DFA kung papaano humantong sa ganitong hatian. Dapat daw ipaalam sa mga tao ang transaksiyon sa pagitan ng Beijing at Manila. Dapat daw may ‘transparency.’ Sino ba ang walang 'transparency' kaugnay sa West Philippine Sea? Bwelta ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa mga kritiko na nagsasabing walang ‘transpareny’ ang administrasyong Duterte partikular sa mga hakbang para ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Giit ni Cayetano walang itinatago sa publiko ang gobyerno lalo na sa isyu ng pakikipag-ugnayan sa China o sa anumang bansa. 0000 Ganon naman pala, ano ang masama kung magkaroon ng ‘joint exploration’ sa lugar na ang nagtutul...