GLOBAL FOOD CRISIS HAHARAPIN NG BBM ADMIN

Dateline Kamuning Isa sa mga unang hamong kakaharapin ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nakaambang krisis sa pagkain, at gaya ng kanyang ipinangako sa kampanya, sa kanyang pag-upo, magiging prayoridad ang sektor ng agrikultura, ayon kay Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles. Ayon sa World Bank, World Trade Organization (WTO), at June-September 2022 Hunger Hotspots outlook ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) at World Food Programme (WFP), patong patong na krisis ang sanhi ng pinangangambahang kakulangan sa pagkain sa parating na mga buwan. Paliwanag ni Angeles, “Ang patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic, pa-iiba-ibang panahon, krisis sa ekonomiya, armadong sigalot, pagsipa ng presyo ng langis at enerhiya, pambansang utang, at mga suliranin sa pandaigdigang supply chain dulot ng gyera sa Ukraine ay ang mga nakikitang dahilan kung bakit magkakaproblema sa suplay ng pagkain.” Batay anya sa ulat ...