Gibaan na
Hindi na talaga mapipigilan. Magkakapartido at magkakaalyado naglalaglagan na kung hindi man ay nagigibaan. Mapa-administrasyon at mapa-oposisyon talaga naman, kitang-kita na ang kanilang pagkakahati. Sa administrasyon, bagama't wala pang opisyal na line-up, ginigiba na ngayon si Senador Manny Pacquiao. PDP Laban si Pacman at napapaulat na may ambisyon sa 2022. Hindi pa man ginigiba na ng kanyang mga kapartido dahil sa pahayag ng Pambansang Kamao sa West Philippine Sea, na taliwas sa posisyon ng Pangulong Duterte. Bago pa man ang pahayag ni Pacquaio, umalingasaw na ang pagkakahati-hati sa PDP Laban, mayroong grupong pabor at laban kay Pacquiao. 0000 Sa hanay naman ng oposisyon, hindi maganda para sa mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo ang pinakahuling pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na nagsasabing interesado ang ikalawang Pangulo sa pagiging gobernador ng Camarines Sur. Ayon kay Trillanes, handa siyang maging manok ng oposisyon sa 2022 ele...