Ang lawa ng aking pagkabata
Inamin ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na naapektuhan ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na baklad o fishpen sa lawa ng Laguna. Utos ng korte ang dahilan.Sino ba ang gustong sumuway sa kautusan ng Korte? Sino ba ang gustong ma-contempt? Nakalulungkot, ang pagbubunyi ng mga maliit na mangingisda ay pansamantala lang pala. *** Ang matulaing Lawa ng Laguna ay naglilitanya na ng mga hinaing. Ang pagkalason ng lawa ay una sa lahat. Ngayon ang mga nahuhuling biya, ayungin, kanduli at tulya ay hindi na kasing dami tulad noong ako ’ y bata pa. Ang lawa ng aking pagkabata ay sinakop na ng mga naglalakihang baklad. Itinaboy ng mga baklad na ito ang mga maliit na mangingisda na dati’y halos mapuno ang kanilang maliit na bangka sa mga nahuling isda sa lawa ng aking pagkabata. *** Ang mga basurang-industriyal mula sa mga pabrika na nasa paligid ay isa rin sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng lawa. Ang mga tinawag na chemical residue at mga n...