Posts

Showing posts with the label buwis

National ID System: Kriminal lang ang tututol.

Agad sanang maipatupad ang panukalang batas sa National ID system. Napananahon at talagang kailangan para sa seguridad ng lahat. Hindi dapat katakutan kung walang itinatago. Mga kiriminal lang ang   tututol sa National ID System. Sa totoo lang masyadong naabuso ang paggamit ng mga ‘Identification Card’ na pinagkakakitaan ng mga grupong mukhang pera. Naglipana ang katakot-takot na ID, mula sa PNP, militar, Anti-Crime Organization, mga volunteer group at iba pang grupong-sibiko na magkaminsan ay ginagamit sa pangongotong o makaligtas sa mga umiiral na batas tulad ng batas-trapiko. Mas maraming kapakinabangan sa pagkakaroon ng iisang sistema ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Marami pa ring mga Pilipino ang walang government issued ID, kaya naman kapag pumasok sa mga transkasiyon o kontrata ay hirap. Malaking tulong ang National ID System sa mga maliliit na mangagawa at   negosyante na kapag nagpunta sa bangko para mag-encash ng tseke ay hindi na hihingan ng dalawa...