Posts

Showing posts with the label leadership change

Wala sa hulog na prinsipyo.

Aminin man o hindi, ang panahon ng pamumulitika sa bansa ay nagsimula na. Kung sabagay, sa mga pulitiko ang pulitika ang kanilang almusal, tanghalian at hapunan. Kahit ano pa ang sabihin, walang matatag na partido pulitikal sa bansa. Ang kilala lamang at gustong samahan ng mga pulitiko ay ang partido kung nasaan ang kasalukuyang nakaupo sa Malacanang. Sa kasalukuyan na ang PDU30 ang nasa Palasyo ang lahat ay gustong maging PDP Laban. Pero noong panahon ng kampanyahan para sa 2016 Presidential elections nasaan ang mga pulitikong ito? Sa nangyaring “kudeta” sa Kamara noong ikatlong SONA ni PDu30 ang PDP-Laban ay niyanig ‘leadership change.’  Si Pantaleon Alvarez na Secretary General ng PDP Laban ay mapapalitan na dahil wala na itong pangil at kapangyarihan. Ang reyna ngayon sa Kamara at tinitingala  ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Mula sa partido Lakas ngayon ay PDP-Laban na. 0000 “Politics of convenience” ang kalakalan pa rin sa buong bansa. Kung sino ang ...