Desisyon ng taong-bayan
Dateline Kamuning Nagsalita na ang taong bayan sa pamamagitan ng balota. Sa mga nagwagi, congratulations and good luck. Huwag nyong kalimutan ang inyong pangako. Nangako kayo na maglilingkod ng tapat at ng buong katapatan. Yan din ang inyong sasabihin sa inyong panunumpa sa pagsisimula ng inyong opisyal na panunungkulan. Halal kayo ng taong-bayan. Ang aking paalala, huwag maging balat- sibuyas, sa mga pagpuna ng inyong mga nasasakupan. Mayroon kayong naipangako noong kayo ay nangliligaw ng boto. Huwag nyong sasabihin nakalimot kayo. Kung sabagay sabi ng ng biro: nangako na nga ako sa inyo, gusto nyo pang tuparin ko ito.... aba ay dapat lang ho. Nawa ang mga ilalagay nyo sa pwesto bilang katuwang ay talagang makakatulong sa inyo at hindi maging dahilan upang malayo kayo inyong mga kababayan. Kalimitan ang nanalong pulitiko, kapag nakaupo na sa pwesto ay kay hirap ng mahagilap. Ang dami ng mga dahilan, keso ... naipit sa mahabang pulong ng mga investor sa bayan o kaya na...