Ginalit si Boy Pyongyang
Sa ginanap na General Assembly ng United Nations sa New York kamakailan, nagsalita at nagbanta si US President Donald Trump na gugunawin niya ang buong North Korea. Napikon si Trump kay NoKor leader Kim Jong Un, dahil ang okupante sa White House ay tinawag ni Kim na sira ang ulo o "mentally deranged.” Bumwelta naman si Trump at tinawag si Kim na ‘ Rocket Man ‘ at nasa ‘suicide mission.’ Hindi nakakatulong para sa kapayapaan ng mundo ang pagkilos nina Trump at Kim. Pinatulan ng ‘nakatatanda’ ang bata at mapusok na si Kim. Delikadong laruan ng mga bata at malilimuting matanda ang mga mapamuksang sandata. Ang ‘weapons of mass destruction’ na kapwa mayroon ang dalawang bansa ay dapat lamang ikondena. 0000 Patay ang dalawang mangngisdang Vietnamese sa karagatang sakop ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Navy, tinangkang salpukin ng isang Vietnamese fishing vessel ang barko ng PN. Kayan naman walang nagawa ang pwersa ng Pilipinas kundi ang gumanti lamang. ...