Loyalty Check
Loyalty Check Parang kabuteng nagsulputan ang mga 'communit pantry' sa iba't-ibang bahagi ng bansa na nagsimula sa isang lamesang kawayan sa Maginhawa street, Teachers Village Quezon City. Ang pagsikad ng sinimulang 'community pantry' ay hindi naging mahirap, dahil agad itong sumirit, salamat sa mga kontrobersiyal na pahayag ng nakapuna dito. Dahil nga may pandemiya, agad itong nakatawag ng pansin ng madla, na ngayon ay mas lalong kilala sa tawag na 'netizen.' Ang lamesang kawayan na may lamang samu't-saring pagkain na panawid gutom ay agad nag-viral sa social social media. Kaliwa't kanang komento ang naglutangan mula sa mga grupong dati ng hati. Ang grupong DDS at Dilawan, nagpalitan ng kani-kaniyang opinyon at minsan makakabasa tayo ng pahayag na 'masakit pakinggan.' 0000 Habang umiinit ang isyu ng 'community pantry' natabunan ang isang isyu na kasabay nitong lumutang ang napaulat na grupong 'Viber 500." Ang grupong i...