Loyalty Check

 
Loyalty Check 

Parang kabuteng nagsulputan ang mga 'communit pantry' sa iba't-ibang bahagi ng bansa na nagsimula sa isang lamesang kawayan sa Maginhawa street, Teachers Village Quezon City.

Ang pagsikad ng sinimulang 'community pantry' ay hindi naging mahirap, dahil agad itong sumirit, salamat sa mga kontrobersiyal na pahayag ng nakapuna dito.

Dahil nga may pandemiya, agad itong nakatawag ng pansin ng madla, na ngayon ay mas lalong kilala sa tawag na 'netizen.' 

Ang lamesang kawayan na may lamang samu't-saring pagkain na panawid gutom ay agad nag-viral sa social social media.

Kaliwa't kanang komento ang naglutangan mula sa mga grupong dati ng hati. Ang grupong DDS at Dilawan, nagpalitan ng kani-kaniyang opinyon at minsan makakabasa tayo ng pahayag na 'masakit pakinggan.'

0000

Habang umiinit ang isyu ng 'community pantry' natabunan ang isang isyu na kasabay nitong lumutang ang napaulat na  grupong 'Viber 500."

Ang grupong ito ay binubuo raw ng mga aktibo at retiradong heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na nagiisip ng iatras ang kanilang suporta sa Pangulong Duterte. 

Agad pinatay o tinabunan ng isyu at ang tumingkad ay ang 'red tagging' ng mga organizer ng 'community pantry' na sinimulan ni Ka Patreng o Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, malisyoso ang pagpapalutang ng grupong 'Viber 500.' Gusto lang guluhin ang bansa  na nahaharap ngayon sa malaking problema dala ng Covid-19.

Habang matingkad ang diskusyon sa epekto ng ' community pantry ' na sumawsaw na ang mga pulitiko at mga ' security apparatus ' ng gobyerno, mag nagaganap kayang 'loyalty check ' ngayon sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police? 

Nagtatanong lang po?


-30-



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES