Mag-ingat sa mga nang-uudyok.
Uminit na naman ang isyu ng West Philppine Sea matapos lumutang ang usapin sa ‘60-40 arrangement’ sa pagitan ng Pilipinas at China para sa ‘joint exploration’ ng lugar na pinaniniwalaang mayaman sa deposito ng langis.
Mismong si dating Pangulong Aquino at Bise Presidente Leni Robredo ang humihingi ng paliwanag sa DFA kung papaano humantong sa ganitong hatian. Dapat daw ipaalam sa mga tao ang transaksiyon sa pagitan ng Beijing at Manila. Dapat daw may ‘transparency.’
Sino ba ang walang 'transparency' kaugnay sa West Philippine Sea?
Bwelta ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa mga kritiko na nagsasabing walang ‘transpareny’ ang administrasyong Duterte partikular sa mga hakbang para ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Giit ni Cayetano walang itinatago sa publiko ang gobyerno lalo na sa isyu ng pakikipag-ugnayan sa China o sa anumang bansa.
0000
Ganon naman pala, ano ang masama kung magkaroon ng ‘joint exploration’ sa lugar na ang nagtutulungan ay mga Tsinoy at Pinoy?
Sa panahon ngayon na ‘hostage’ ang Pilipinas sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, natural lamang na maghanap ang gobyerno ng alternatibong pagkukunan ng ‘enerhiya’ na kailangan para tumakbo ang ekonomiya.
Ang anumang produksiyon ng langis mula sa West Philippine Sea ay malaking tulong sa Pilipinas para makatipid sa dolyar na ginagamit pambayad sa inaangkat na langis na kontrolado ng Amerika at iba pang kaalyadong bansa.
Ang matitipid na dolyar ay maaring magamit sa iba pang gastusin ng pamahalaan tulad ng suporta sa mga maysakit at matatanda.
0000
Tama lamang ang panawagan ng ‘transparency’ lalo na may kinalaman sa hinaharap ng bansa. Ang mga humihingi, lalo na ang mga nagkaroon ng pagkakataon na patakbuhin ang bansa ay dapat maging bukas din sa kanilang mga ginawa noong nasa panahon ng kapangyarihan.
Sa pagsisimula ng 2018 mayroon ng ‘bilateral consultation’ na nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at China para sa ‘peaceful cooperation’ sa WPS. Ang ‘joint oil exploration’ ay isa lamang sa bunga ng paguusap ng magkabilang panig.
Ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa WPS o South China Sea ang hangad ng lahat ng ‘stakeholders’ hindi lamang ng Pilipinas nataon lamang sa administrasyong Duterte gumanda ang takbo ng paguusap.
0000
Kung ‘transparency’ ang paguusapan normal lang na igiit din ni Cayetano na magpaliwanag nakaraang administrasyong Aquino, Senador Antonio Trillanes IV at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kung ano ang kanilang ginawa noong nasa pwesto.
Dapat malaman ang puno't dulo ng pagkawala ng kontrol ng Pilipinas sa Scarborough Shoal. Kaninong administrasyon ba unang nawala ang mga isla? May papel ba ang Estados Unidos ?
Bago nagkagirian ang Pilipinas at China, malayang nakakahuli ng isda ang mga Pinoy sa lugar, subali’t nang magkaroon ‘Scarborough Stand-off,’ nganga ang ating mga mangingisda.
Ngayong nagnonormalisa na ang sitwasyon, dapat pa bang bumalik sa tensiyonadong sitwasyon?
Kung magkaroong muli ng ‘stand off,’ ano kayang tulong ang maibibigay ng mga nang-uudyok?

Comments