Ang lawa ng aking pagkabata


Inamin ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na naapektuhan ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na baklad o fishpen sa lawa ng Laguna. Utos ng korte ang dahilan.Sino ba ang gustong sumuway sa kautusan ng Korte? Sino ba ang gustong ma-contempt? Nakalulungkot, ang pagbubunyi ng mga maliit na mangingisda ay pansamantala lang pala.
***
Ang matulaing Lawa ng Laguna ay ­naglilitanya na ng mga hinaing. Ang pagkalason ng lawa ay una sa lahat. Ngayon ang mga nahuhuling biya, ayu­ngin, kanduli at tulya­ ay hindi na kasing­ dami tulad noong akoy bata pa.  Ang lawa ng aking pagkabata ay sinakop na ng mga naglalakihang baklad. Itinaboy ng mga baklad na ito ang mga maliit na mangingisda na dati’y halos mapuno ang kanilang maliit na bangka sa mga nahuling isda sa lawa ng aking pagkabata.
***
Ang mga basu­rang-industriyal mula sa mga pabrika na nasa paligid ay isa rin sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng lawa. Ang mga tinawag na chemical residue at mga nakalalasong ele­mento ay walang kasiguraduhan na hindi­ bumabagsak sa lawa ng Laguna.  Ano ang dahilan, bakit bumababa ang ‘oxygen level’ sa lawa ng Laguna?
Ang mga pamaya­nan sa paligid ng lawa ay dapat ring magkusa para makahinga ang lawa.
Ang hindi tamang pagtatapon ng ‘domestic waste’ ay iti­gil na.
Ang katuwirang kaunti lang naman ang basurang naitatapon ng komunidad sa lawa kumpara sa mga ga­ling sa pabrika ay hindi tama.
‘Saturated’ na ang lawa. Ang mga duming naipon ay sobra na.
Huwag na nating hintayin na iluwa ito ng lawa, baka marami ang madisgrasya.
***
Pagpahingahin ang Laguna De Bay.  Baklasin ang mga baklad lalo na ang mga iligal.
Ang lawa ng aking pagkabata ay para sa lahat hindi para sa iilan lamang. Sa mga may-ari ng mga baklad hindi pa ba niyo nababawi ang inyong puhunan? Dekada na kayong­ kumita, kung hindi­ man ay nagpasasa, bigyan niyo naman ng pagkakataong maka­hinga ang lawa ng ­aking pagkabata.
-30-

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES