BBM at pamilya nasa Australia

Kasalukuyang nasa Australia si President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., at kanyang pamilya para magbakasyon.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni BBM, kailangang magpahinga ng incoming-president matapos ang kampanyahan ngayong 2022 elections.

Sinabi pa ni Rodriguez, gusto munang mag-enjoy ni BBM kahit ilang araw bago maupo bilang Ika-17 Presidente ng Pilipinas. 

Samantala, sa ulat ng Reuters, nakatanggap ng tawag ng pagbati si BBM mula kay Australian Prime Minister Scott Morrison, habang sinalubong naman ng kilos protesta mula sa ilang Pinoy na nakabase sa Australia ang private trip ng incoming president. 

Samantala, sinabi ni Rodriguez na pinag-aaralan ng executive committee kung sa Quirino Grandstand sa Luneta gagawin ang oath-taking ni BBM, na tradiyunal ng kinagawian ng mga bagong halal na Presidente ng bansa.

Sa kasalukuyan ang Quirino grandstand ay ginawang Covid-19 Quarantine Facility.


Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES