Silipin ang sweldo ng mga opisyal ng SSS.


Kung hindi makakagawa ng paraan ang pamunuan ng Social Security System o SSS, walang maaasahang dagdag-pensiyon ang mga retiradong miyembro.
Ayon sa SSS malabong maibigay sa sususunod na taon ang P1,000 dagdag-pensiyon, dahil maapektuhan ang pinansiyal na katatayuan ng ahensiya. Kapag ipinilit, sinabi ni Atty. Emmanuel Dooc, Presidente at CEO ng SSS, tatagal na lang ng 7-taon ang pondo ng ahensiya.
Isa sa mga nakikitang paraan ni Atty Dooc para mapahaba ang buhay ng pondo ng SSS ay taasan ang kontribusyon ng mga miyembro mula 1.5 percent hanggang 3-percent.  Kapag ito’y naipatupad, madadagdagan ang pondo ng ahensiya ng P68-B hanggang P136-Bilyong piso.
0000
Bakit ang SSS o kaya ang PhilHealth, kapag pinaguusapan ang karagdagang benepisyo ang laging nasa kukote ay dagdagan ang kontribusyon ng mga miyembro?
Ano ang ginagawa ng mga lupaing pag-aari ng SSS na nakatiwangwang lamang, bakit hindi ibenta para mapakinabangan?
Bakit laging miyembro ang pumapasan kung nadidiskaril o madidiskaril ang pondo ng isang ahensiya tulad ng SSS?
Ang mga retiradong miyembro na hindi pumalyang maghulog ng buwanang kontribusyon noong malalakas pa ay dapat lamang makalasap ng kaginhawahan. Sinuportahan ang mga naunang nagretiro, kaya dapat lang suklian ng ahensiya ang kanilang sakripisyo.
Sa tindi ng epekto ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, ang P1-libong dagdag-pensiyon kahit kakarampot ay malaking tulong sa mga retiradong-miyembro.
0000

Dapat silipin ang gastusin partikular ang pasahod sa mga opisyal ng SSS.
Maliban sa napakataas na sahod, silipin na rin ang mga tinatawag na ‘perks at allowances’ kung mayroon man ang mga matataas na opisyal ng ahensiya, lalo na kung may “ Board Meeting’ at ‘out of town activity.’
Ang ginagastos ng mga opisyal na ito ay galing sa dugo at pawis ng mga ordinaryong manggagawa, mga ‘voluntary member’ mula sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at maliliit na negosyante.
Dapat isapubliko at ipaabot sa mga miyembro kung ano ang nangyayari sa bawa’t  ‘Board Meeting’ ng SSS, para alam ng mga miyembro kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kontribusyon.
Kung hindi kayang ibigay ang P1-libong pisong dagdag-pensiyon sa mga retiradong-miyembro, bawasan ang pasahod sa mga matataas na opisyal ng SSS, lalo na ang mga itinalaga ng Malacañang.
Walang kasiguruhan na isusulong ng mga ito ang interes ng mga miyembro.
-30-


Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES