Sinopharm talaga

 
Sinopharm talaga 
 
Naturukan na ng unang dose ng bakuna ang Pangulong Dutere.
 
Bakunang Sinopharm mula sa China ang itinurok sa Presidente. Katulad ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang Sinopharm ay pinayagan magamit sa Pilipinas dahil sa 'compassionate use' na ipinagkaloob Food and Drug Administration at wala pa ito tinatawag na 'emergency use authorization' o EUA.

Noon pa man sa mga pahayag ng Pangulo makikita ang pagkiling ng Presidente sa Sinopharm. Walang masama rito. Dapat lang ligtas ang Pangulo sa anumang banta lalo sa kanyang kalusugan.
 
Tiyak bago pa mang naiturok ni Health Secretary Francisco Duque ang bakuna sa Presidente ay inaprobahan na ito ng mga doktor ng pangulo.
Ngayon nakabunahan na si Pangulong Duterte, kailan naman kaya susundo ang ikalawang Pangulo Leni Robredo?
 
0000


Sa ngayon tanging Sinovac, AstraZeneca at ang pinakahuli ay ang Sputnik V ng Russia ang pinapayagang maiturok sa mga Pilipino. 
 
Ang mga bakunang Moderna, Pfizer, Johnson and Johnson at iba pa ay paparating pa lamang kaya marami pa rin ang nganga kahit na anong sabihin ng Task Force against Covid-19 na nariyan na ang bakuna.
 
Hangga't hindi nangayayari ang malawakang pagbabakuna, ang banta at peligro ng Covid-19 ay laging kasalamuha ng publiko.
 
Kaunti pagkakamali, kapag nakalimot, ang Covid ay makakasingit lalo pa't mayroon na sa Pilipinas ng Covid variant mula sa Africa, Britanya at Brazil. Huwag namang sanang makapasok ang malupit na variant mula sa India.
 
0000
 

 
 
 

 

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES