Ginalit si Boy Pyongyang



Sa ginanap na General Assembly ng United Nations sa New York kamakailan, nagsalita at nagbanta  si US President Donald Trump na gugunawin niya ang buong North Korea.
Napikon si Trump kay NoKor leader Kim Jong Un, dahil ang okupante sa White House ay tinawag ni Kim na sira ang ulo o "mentally deranged.”
Bumwelta naman si Trump at tinawag si Kim na ‘ Rocket Man ‘ at nasa ‘suicide mission.’
Hindi nakakatulong para sa kapayapaan ng mundo ang pagkilos nina Trump at Kim.
Pinatulan ng ‘nakatatanda’ ang bata at mapusok na si Kim.
Delikadong laruan ng mga bata at malilimuting matanda ang mga mapamuksang sandata.
Ang ‘weapons of mass destruction’ na kapwa mayroon ang dalawang bansa ay dapat lamang ikondena.
0000




Patay ang dalawang mangngisdang Vietnamese sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa Philippine Navy, tinangkang salpukin ng isang Vietnamese fishing vessel ang barko ng PN. Kayan naman walang nagawa ang pwersa ng Pilipinas kundi ang gumanti lamang.
Sa palitan ng putok, dalawang Vietnamese ang patay.
Sa pulong sa United Nations, agad nilapitan ni Foreign Affairs Secretary Allan Cayetano ang kanyang Vietnamese counterpart at sinuguro ang patas na imbestigasyon sa insidente.
Huwag sanang maka-apekto ang insidente ito sa relasyong diplomatiko sa pagitan ng Manila at Hanoi.
0000
Dahil sa malimit na aberya sa operasyon ng MRT-3, isa sa mga opsiyon na tinitignan ngayon ay ibenta na lamang ito. Bahala na ang pribadong sektor na magpatakbo.
Okay ito. Huwag lang sana mapunta sa negosyanteng dati ng nagpatakbo ng MRT.
Ang negosyanteng ito ay hinahabol ng maraming ‘plan holder’ ng isang educational plan. Maraming bata ang hindi nakapag-aral, dahil ang perang inihulog para sa kanilang edukasyon ay “ninakaw.”
Kung ang negosyanteng ito rin lamang ang muling hahawak ng MRT, huwag na lang. Imbis na mapaganda ang operasyon ng MRT baka lalo lang mawindang  dahil ang negosyanteng ito ay may ‘track record’ ng ‘panggagatso at ang biktima ay maraming kabataaang Pilipino…
0000
Overheard
Hindi na mawawala ang katiwaliaan sa Bureau of Customs  dahil ito ay ‘customs and tradition’ na …. Ha ha…
(Published 27 September 2017)






Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES