National ID System: Kriminal lang ang tututol.


Agad sanang maipatupad ang panukalang batas sa National ID system.
Napananahon at talagang kailangan para sa seguridad ng lahat.
Hindi dapat katakutan kung walang itinatago. Mga kiriminal lang ang  tututol sa National ID System.
Sa totoo lang masyadong naabuso ang paggamit ng mga ‘Identification Card’ na pinagkakakitaan ng mga grupong mukhang pera. Naglipana ang katakot-takot na ID, mula sa PNP, militar, Anti-Crime Organization, mga volunteer group at iba pang grupong-sibiko na magkaminsan ay ginagamit sa pangongotong o makaligtas sa mga umiiral na batas tulad ng batas-trapiko.
Mas maraming kapakinabangan sa pagkakaroon ng iisang sistema ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Marami pa ring mga Pilipino ang walang government issued ID, kaya naman kapag pumasok sa mga transkasiyon o kontrata ay hirap.
Malaking tulong ang National ID System sa mga maliliit na mangagawa at  negosyante na kapag nagpunta sa bangko para mag-encash ng tseke ay hindi na hihingan ng dalawang government issued ID.
Sa pagkakaroon ng National ID System, dapat lusawin na ang iba pang uri ng pagkakakilanlan na kalimitan ay nagagamit lamang sa kawalanghiyaan.
0000
Pinaiimbestigahan ni Deputy Speaker at Batangas Representative Raneo Abu sa Kamara ang Pilipinas Shell Pertroleum Corporation dahil sa mahigit isang dekadang hindi pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Abu na sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis binabalewala ito ng Shell.
Ayon kay Abu, aabot na sa mahigit isandaang bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan dahil sa labintatlong taong kabiguan ng Shell na magbayad ng buwis..
Paliwanag ng mambabatas simula noong 2004 hanggang 2009 umaabot na sa P7.348-B ang tax deficit ng Shell dahil sa importasyon ng mga sangkap sa paggawa ng gasolina.
Ayon pa kay Abu, noong 2010 inihayag ng BOC- Batangas District na itinigil ng Shell ang importasyon, subalit noong May 2010 hanggang June 2011,  na-assess ng Bureau of Internal Revenue na may ‘tax deficit’ ang Pilipinas Shell na nagkakahalaga ng daang bilyong piso.”
Napakalaking halaga, na kung makokolekta ay malaking tulong para sa mga tustusin sa ‘social services’ ng gobyerno.
Ang halagang ito ay makakatulong sa pagpapatayo ng mga hospital  sa mga malalayong lugar, ganon na rin ang pagbili ng gamot na kailangan ng mga senior citizen at mga walang swerteng Pilipino.
Buwis ang hinahabol dito ng gobyerno dapat lang imbestigahan ng Kongreso.
-30-

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES