Modern day slavery



Kung may death penalty sa Pilipinas ang unang lima sa aking listahan na dapat patawan ng parusang bitay ay ang drug lord, illegal recruiter, rapist, swindler at magnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa lima, ang gusto kung pagtuunan ng pansin ay ang "illegal recruiter."

Katulad ng "drug lord" ang ‘illegal recruiter’ ay marami ng winasak na tahanan.

Halimaw ito na dapat tigpasin ang ulo para hindi na makapagisip pa ng mga bagong modus na ang target biktimahin ay ang mahihina, nangangailangan at kulang sa kakayahan.


Alam ng mga "illegal recruiter" ang batas at kayang paikutin ito. May kasabwat ito sa immigration, sa pnp at may bayarang abugado na agad sasaklolo sa oras na may magreklamo at mang asunto.

Protektado ang "halimaw" na ito. 

Tama lamang na ipagutos ng PDU30 na tigpasin ang ulo ng mga ‘illegal recruiter’ para hindi na makapangbiktima pa.

0000

Hangga’t walang sapat na trabaho at mahusay na pasweldo marami pa ring Pilipino ang mangingibang bansa.
Marami pa ring mabibiktima ng “illegal recruitment” dahil sa mahigpit na pangangailangan. Maraming kakapit sa patalim. Kahit labag sa loob, marami pa ring ng kakagat sa hindi patas na kontrata.
Sa abroad nga naman doble ang halaga ng piso at kung susuwertihin may overtime pa.

Ang malungkot may ibang mukha na ang "pangangamuhan" sa ibang bansa.

Alam ito ng POEA at OWWA, talamak ang bentahan ng mga OFW mula sa isang amo patungo sa ibang amo.

Kasabawat ang mga agency "kalakal" na iniaalok ang mga ‘Pinay domestic.’
Kahit dokumentado, walang kalaban at walang magawa dahil kinuha ng amo o agency ang kanilang pasaporte at iba pang dokumento.

Mabuti na lamang may mga NGO na tumutulong agad nasasaklolohan ang mga kawawang OFW.
0000

Kahit maganda at malakas ang ugnayan ng Pilipinas sa international community sa paglaban sa human trafficking nakakalusot pa rin ang sindikato.
Konektado ang grupo at may malaking bilang ng mga biktima at maari pang mabiktima.
Katulad ng matinding kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga, ang pagsugpo sa ‘illegal recruitment’ ay nararapat. Kung may dapat “bitayin” ang mga ‘illegal recruiter’ ang dapat ang unahin.

Published 25 October 2017



Comments

Popular posts from this blog

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES