Gibaan na
Hindi na talaga mapipigilan.
Magkakapartido at magkakaalyado naglalaglagan na kung hindi man ay nagigibaan.
Mapa-administrasyon at mapa-oposisyon talaga naman, kitang-kita na ang kanilang pagkakahati.
Sa administrasyon, bagama't wala pang opisyal na line-up, ginigiba na ngayon si Senador Manny Pacquiao. PDP Laban si Pacman at napapaulat na may ambisyon sa 2022.
Hindi pa man ginigiba na ng kanyang mga kapartido dahil sa pahayag ng Pambansang Kamao sa West Philippine Sea, na taliwas sa posisyon ng Pangulong Duterte.
Bago pa man ang pahayag ni Pacquaio, umalingasaw na ang pagkakahati-hati sa PDP Laban, mayroong grupong pabor at laban kay Pacquiao.
0000
Sa hanay naman ng oposisyon, hindi maganda para sa mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo ang pinakahuling pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na nagsasabing interesado ang ikalawang Pangulo sa pagiging gobernador ng Camarines Sur.
Ayon kay Trillanes, handa siyang maging manok ng oposisyon sa 2022 elections.
Agad sumagot ang kampo ni Robredo, hindi interesado ang bise presidente sa Camarines Sur, mas tutok si Robredo sa pagtulong sa mga tao na naapektuhan ng pandemiya.
0000
Habang nagsisimula na ang 'vaccination roll out' dahil sa pagdating ng iba pang mga bakuna,umusbong naman ang pangamba na baka mabitin ang suplay ng mga 'brand' na bakuna dahil sa tinatawag na 'supply problem.'
Unti-unti ng nadadagdagan ang 'supply' ng bakuna kaya lang ang pangamba ngayon ay ang ikalawang dose ng bakuna.
Kaya naman ang tinatawag na 'mix match' ay pinag-uusapan ngayon ng mga 'vaccine expert.'
Kung talagang magkakaroon ng aberya sa pagdating ng bakuna para sa 'ikalawang shot' maari raw iturok ang ibang bakuna, para magtuloy-tuloy ang proteksiyon sa mga una ng naturukan.
Ang mga ganitong sitwasyon ang nakadadagdag sa kawalan ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
-30-
Comments