Proklamasyon ng mga nanalong party list group, sinuspendi

 


 

Sinuspinde ng Comelec ang dapat sana’y proklamasyon ng mga nanalong partylist group.

Napagpasyahan ng Comelec en banc na siyang umuupong National Board of Canvassers na i-adopt ang rekomendasyon ng Supervisory Committee na iantala ang proklamasyon at hintayin muna ang certificate of canvass mula sa Lanao Del Sur.

Nakasaad sa rekomendasyon na malaki ang magiging epekto ng mga boto na hindi pa na-transmit mula sa naturang probinsya sa pagtukoy ng mga mananalong partylist groups at bilang ng entitled seat.




Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia na hindi tulad ng mga nanalong senador,  kumplikado ang bilangan sa partylist at maaaring makaapekto sa ranking ang resulta ng botohan sa Lanao Del Sur.


Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES