Kampo ni BBM ipababasura ang disqualfication proceeding sa Korte Suprema
Ipababasura ng kampo ni incoming President Bongbong Marcos Jr., ang petisyon ng grupong dumulog sa Korte Suprema na nais na ipadiskwalipika si BBM.
Ayon kay Atty Estelito Mendoza, abugado ni BBM, ito ang kanilang magiging sagot sa kautusan ng Mataas na Hukuman na magkomento ang mga partido sa usapin.
Ayon kay Atty Mendoza, katulad ng naunang desisyon ng dibisyon at En Banc ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification proceeding laban sa kanyang kliyente ay ibininasura lamang.
Magugunita na dumulog sa SC sina Atty Theodore Te at iba pang biktima ng Batas Militar sa panahon ng rehimeng Marcos (ama ni BBM) na humihiling sa Korte Suprema na ipatigil ang Congressional Canvassing habang dinidinig ang kanilang apela.
Samantala, sinabi naman ng liderato ng Senado, kapwa mula kay Senate President Tito Sotto at Minority Leader Franklin Drilon na hindi maaring ipatigil ang canvassing at malamang na humantong ito sa ‘constitutional crisis.’
https://youtu.be/072xgEpWQ_w
Binigyan ng Korte Suprema ang lahat ng respondent ng 15-araw para magsumite ng komento.
Comments