Mga sundalo mananatili sa 'area of assignment' - Zagala



Dateline Kamuning

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na ang matibay at magandang ugnayan ng iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng AFP,  Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang naging susi upang magtagumpay ang Hatol ng Bayan 2022.

Samantala, pinapurihan din ni AFP Spokesman, Col. Ramon Zagala ang mga guro na agad ipinaalam sa mga awtoridad ang mga aktibidad na maaaring maging banta sa seguridad.

Bagaman tapos na ang halalan sa maraming lugar sa bansa, sinabi ni Zagala na patuloy pa ring nagbabantay ang mga sundalo, partikular sa mga lugar na itinuring na ' hot spots at areas of concern.'



Ayon kay Zagala, nanatiling nasa 'area of assignment' ang aabot sa 70,000 mga sundalo na binubuo ng Air Force, Navy at Army hangang sa matapos ang bilangan at proklamasyon ng mga nanalo sa eleksiyon.





Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES