COVID-19 vaccination sites, itatayo malapit sa mga polling center

 

Dateline Kamuning

 

Nakatakdang maglagay ng vaccination booth ang Department Of Health (DoH) laban sa COVID-19  malapit sa mga polling center sa araw ng eleksiyon.

Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang panukala ng DoH sa layong mailapit sa mga tao ang pagbabakuna lalo na sa mga hindi pa nakakakumpleto sa kanilang primary series o wala pang booster shots.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga vaccination sites ay dapat na 30 metro ang layo mula sa mga voting precinct.


 

Kinakailangan lamang magdala ng mga botante na magpapabakuna ng kanilang vaccination card at valid ID.

 

 

Bukod dito, magtatayo rin ang DOH ng mga health stations malapit sa mga polling precincts para agad na makaresponde sa mga botanteng masama ang pakiramdam.

 

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES