Posts

Showing posts from October, 2019

Kailanman hindi maitatago ang lihim

Kasama na ang pangalang Oscar Albayalde, heneral ng Philippine National Police sa listahan ng mga pulis na sinasabing sangkot sa 'agaw-bato.' Ang tawag din sa mga parak na ito ay 'ninja cop' kung paano nagsimula ay mahabang kwentuhan. Isang linggo matapos magbitiw si Albayalde bilang PNP Chief, hindi na nagdalawang isip pa ang PNP CIDG, agad naghain sa DOJ ng tinatawag na "Ammended Referral Complaint" sa 14 na mga pulis, nangunguna si Albayalde na may rankong 4- Star General. Marahil maganda na rin ito, na pormal na si kasuhan General Albayalde. Maipagtatanggol niya ang kanyang sarili laban sa kanyang sinasasabing nagkutsabaang retiradong mga heneral na pulis para siya ay ibagsak, Tinawag ni Albayalde ang demolisyon laban sa kanya na isang 'conspiracy.' Subal'it naging malupit ang tadhana sa Heneral, bago pa man ang kanyang pagre-retiro , sa di inaasahang pangyayari, nabunyag na ang pangalang General Albayalde ay may itinitagong lihim. Ang...

Pinoy Palaboy: Libro ng Kapayapaan sa Mindanao

Pinoy Palaboy: Libro ng Kapayapaan sa Mindanao : Pormal na inilusad ng ASEAN Institute for Peace and Reconcialiation ang isang libro may kinalaman sa proseso ng usapang pangkapayapaan sa pa...

Libro ng Kapayapaan sa Mindanao

Pormal na inilusad ng ASEAN Institute for Peace and Reconcialiation ang isang libro may kinalaman sa proseso ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front (MNLF) Ang libro ay resulta ng ilang taong pagsasaliksik at pag-aaral.  Isinalaysay ng publikasyon ang mga aral tungo sa pagkakaroon ng tinatawag na 'conflict resolution' sa pagitan Gobyerno ng Pilipinas at ng MNLF, na ang namagitan ay ang gobyerno ng Indonesia. Isinagawa ang okasyon sa ASEAN Secretariat sa Daerah Khususa Ibukota. Ayon sa Department of Foreign Affairs ang publikasyon ay malaki ang maitutulong sa mga nagsasaliksik at nag-aaral kaugnay sa usapin ng 'conflict resolution ' at 'peace process.' https://www.dfa.gov.ph/dfa-news/news-from-our-foreign-service-postsupdate/24669-asean-institute-for-peace-reconciliation-launches-publication-on-peace-process-between-ph-gov-t-mnlf

Weekend spoiler

Tuwing 'weekend' na lamang, laging may'road re blocking' sa EDSA. Kapag may 'road reblocking,' isa lang ang kahulugan, TRAPIK. Kapag bumuhos pa ang malakas na ulan at sinabayan ng aksidente ang EDSA ay mistula ng malaking paradahan. Mahahamon ang pasensiya ng mga motorista. Hindi  makukumpleto ang taon, na walang magaganap na pagkukumpuni sa EDSA. Anong semento ba ang gamit at hindi tumagal ang kongkreto sa mga nagdaraang sasakyan? Ang 'road reblocking' ay '"weekend spoiler". Pahirap ito sa mga tao na ang sasakyan o sinasakyang ay kinakailangan dumaan sa EDSA.  Kung sakto lang pera o pamasahe magbaon ka ng mahabang pasensiya ng hindi mabwisit sa kalsada. Ang MMDA walang magawa kundi makiusap na lamang sa publiko na habaan ang pang unawa, katwiran ng ahensiya para din sa kapakanan ng lahat ang ginagawang 'road reblocking" EDSA. Ano pa nga ba? https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/711461/road-reblocking-on-edsa-c...

Pinoy Palaboy: Weekend spoiler

Pinoy Palaboy: Weekend spoiler : Tuwing 'weekend' na lamang, laging may'road re blocking' sa EDSA. Kapag may 'road reblocking,' isa lang ang kahulu...

Pinoy Palaboy: Spasiba, Rossiya

Pinoy Palaboy: Spasiba, Rossiya : Matagumpay ang 5-araw ng pagbisita sa Rusya ni PDU30 na isinagawa ngayong buwag ng Oktubre. Ayon kay Philippine Ambassador sa Russia na s...

Pinoy Palaboy: Ano, takutan?

Pinoy Palaboy: Ano, takutan? : Kambyo agad ang Manila Water sa isyu na ang mga 'kustomer' nito ang magbabayad sa 921-milyong pisong multa na ipinataw ng Korte Sup...

Ano, takutan?

Kambyo agad ang Manila Water sa isyu na ang mga 'kustomer' nito ang magbabayad sa 921-milyong pisong multa na ipinataw ng Korte Suprema dahil umano sa paglabag sa " Clean Water Act." Bigo kasi ang Manila Water na makumpleto ang 'sewerage projects.' Sa halip na tumalima sa kautusan ng Korte, nagbabala ang Manila Water na  malamang na tumaas ng 780 percent ang bayarin sa kinokosumong tubig ng mga tao. Dagdag  na mahigit sa P26-piso sa kada metro-kubiko na nagagamit ng publiko. Tahasang pananakot ito. Ayon nga kay Buhay Party List Rep Lito Atienza, "blackmail" ito. Di ba matagal ng naniningil  ang Manila Water ganon din ang kompanyang Maynilad ng 'environmental fee' sa mga 'customer' nito? Anong nangyari sa kinolektang pera na ito? Totoo ba ang balita na ang Manila Water ay may mga proyekto sa ibang bansa sa Asya? Baka naman  kaya hindi nakumplet0 ang "sewerage projects "  na itinatakda ng Clean Air Act ay dahil ...

Spasiba, Rossiya

Matagumpay ang 5-araw ng pagbisita sa Rusya ni PDU30 na isinagawa ngayong buwag ng Oktubre. Ayon kay Philippine Ambassador sa Russia na si Carlos “King” Sorreta maraming kansunduan ang nilagdaang pagitan ng Moscow at Manila. Umaabot sa mahigit na P600-milyong piso ang kasunduan na nilagdaan ng magkabilang panig. Sa ‘arrival speech’ ng Pangulong Duterte matapos ang mahabang biyahe mula sa Moscow , sinabi nito na tumingkad pang lalo ang relasyon ng Pilipinas at Rusya na ‘nasindihan’ sa kanyang maikling pagbisita sa Moscow noong 2017 . https://pcoo.gov.ph/news_releases/president-duterte-sees-greater-level-of-relations-with-russia/ Maliban sa usapin ng ekonomiya at kalakalan, nagkasundo rin ang mga nakaupo sa Malacanang at Kremlin na magtulungan laban sa bangis ng terorismo at usapin ng regional security. Binanggit ng PDU30 ang makasaysayang pagbisita o port call visit ng BRP Tarlac  sa Vladivostok noong 2018. Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Philippine Navy na makadaong an...

Ang 'halimaw' sa GCTA

Ang daming kinain na biktima ng “halimaw” sa GCTA. Isinabatas ang “Good Conduct Time Allowance” para sa mga bilanggo o ‘persons deprive of liberty” PDL na makalaya dahil nagpakita ng ‘good behavior” o magandang paguugali habang binubuno ang sentensiya. Subali’t dahil sa mga ‘halimaw,’ ang GCTA ay pinagkakitaan. Nagamit ng mga utak- kriminal ang batas para magkamal ng pera.  Ang mga bilanggong may pera at impluwensiya kahit na nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen ay makakalaya o nakalaya na. Kung hindi nabuking ang planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na nahatulan ng murder at rape, marahil ang sindikato sa Bureau of Corrections sa New Bilibid Prisons ay namamayagpag pa rin. Ang” halimaw” sa GCTA ay maraming nabiktima. Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa GCTA for Sale, naungkat ang usapin ng ‘agaw-bato” na kinasasangkutan ng mga “Ninja cop” sa Philippine National Police. Maraming personalidad ang lumutang. Ang pinaka-prominente ay si PNP...