Ang 'halimaw' sa GCTA

Ang daming kinain na biktima ng “halimaw” sa GCTA.
Isinabatas ang “Good Conduct Time Allowance” para sa mga bilanggo o ‘persons deprive of liberty” PDL na makalaya dahil nagpakita ng ‘good behavior” o magandang paguugali habang binubuno ang sentensiya.
Subali’t dahil sa mga ‘halimaw,’ ang GCTA ay pinagkakitaan. Nagamit ng mga utak- kriminal ang batas para magkamal ng pera.  Ang mga bilanggong may pera at impluwensiya kahit na nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen ay makakalaya o nakalaya na.
Kung hindi nabuking ang planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na nahatulan ng murder at rape, marahil ang sindikato sa Bureau of Corrections sa New Bilibid Prisons ay namamayagpag pa rin.
Ang” halimaw” sa GCTA ay maraming nabiktima. Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa GCTA for Sale, naungkat ang usapin ng ‘agaw-bato” na kinasasangkutan ng mga “Ninja cop” sa Philippine National Police.
Maraming personalidad ang lumutang. Ang pinaka-prominente ay si PNP Chief General Oscar Albayalde na nahaharap sa akusasyon ng pagbibigay ng “proteksiyon’ sa mga Ninja Cops.
Ang dapat sana’y tapos ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu ng “GCTA for sale”  ay lalo pang humaba. Ang nasa ‘hot spot’ ay mga pulis mismo na nagpapatupad ng batas.
Nagpalitan ng akusasyon ang mga pulis sa kapwa pulis. Chief PNP laban sa mga retiradong heneral ng Pambansang Pulisya.
Sa pangyayaring ito, habang nagpapalitan ng akusasyon at kontra akusasyon ang mga ‘prominenteng personalidad’ sa PNP , isa lang ang natutuwan, ang sindikato ng iligal na droga.
Aminin man at hindi, nalagay sa “defense mode” ang PNP sa kampanya nito laban sa iligal na droga. Naka focus ngayon sa tinatawag na ‘internal cleansing ‘ ang organisasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES