Kailanman hindi maitatago ang lihim


Kasama na ang pangalang Oscar Albayalde, heneral ng Philippine National Police sa listahan ng mga pulis na sinasabing sangkot sa 'agaw-bato.'

Ang tawag din sa mga parak na ito ay 'ninja cop' kung paano nagsimula ay mahabang kwentuhan.

Isang linggo matapos magbitiw si Albayalde bilang PNP Chief, hindi na nagdalawang isip pa ang PNP CIDG, agad naghain sa DOJ ng tinatawag na "Ammended Referral Complaint" sa 14 na mga pulis, nangunguna si Albayalde na may rankong 4- Star General.

Marahil maganda na rin ito, na pormal na si kasuhan General Albayalde. Maipagtatanggol niya ang kanyang sarili laban sa kanyang sinasasabing nagkutsabaang retiradong mga heneral na pulis para siya ay ibagsak, Tinawag ni Albayalde ang demolisyon laban sa kanya na isang 'conspiracy.'

Subal'it naging malupit ang tadhana sa Heneral, bago pa man ang kanyang pagre-retiro , sa di inaasahang pangyayari, nabunyag na ang pangalang General Albayalde ay may itinitagong lihim. Ang nakatagong kalansay 'kumaway.'

Tinawag siyang protektor, hindi lamang ng sambayanan. "Protektor " din siya ng mga "police scalawag"  batay sa  initial report Senate Blue Ribbon Comittee na nagimbestiga sa katiwalian sa Bureau of Corrections.

Sa paginog ng imbestigasyon,  nabunyag ang kagimbal-gimbal na operasyon ng iligal na droga.
Sapul ang Philippine National Police dahil sa mga tiwaling pulis.

Magiging malupit ang tadhana kay Albayalde, kung mahahatulan, resulta ng mga bintang laban sa kanya.



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES