Ano, takutan?

Kambyo agad ang Manila Water sa isyu na ang mga 'kustomer' nito ang magbabayad sa 921-milyong pisong multa na ipinataw ng Korte Suprema dahil umano sa paglabag sa " Clean Water Act."

Bigo kasi ang Manila Water na makumpleto ang 'sewerage projects.'

Sa halip na tumalima sa kautusan ng Korte, nagbabala ang Manila Water na  malamang na tumaas ng 780 percent ang bayarin sa kinokosumong tubig ng mga tao.

Dagdag  na mahigit sa P26-piso sa kada metro-kubiko na nagagamit ng publiko.Tahasang pananakot ito. Ayon nga kay Buhay Party List Rep Lito Atienza, "blackmail" ito.

Di ba matagal ng naniningil  ang Manila Water ganon din ang kompanyang Maynilad ng 'environmental fee' sa mga 'customer' nito?

Anong nangyari sa kinolektang pera na ito?

Totoo ba ang balita na ang Manila Water ay may mga proyekto sa ibang bansa sa Asya?

Baka naman  kaya hindi nakumplet0 ang "sewerage projects "  na itinatakda ng Clean Air Act ay dahil inilagak  ng Manila Water ang nakolektang 'environmental fee' sa proyekto nito sa ibang bansa?

Nagtatanong lang po. 

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES