LEGALIDAD SA PAGTATALAGA KAY LOTILLA: MERON BANG CONFLICT OF INTEREST?
Dateline Kamuning Sa gitna ng umiiral na krisis sa enerhiya, ibayo at metikulosong pagsusuri ang kailangan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatalaga ng Energy Secretary. Nakasaad kasi sa Section 8 ng Republic Act 7638 (ang batas na lumikha ng Department of Energy) na hindi pwedeng italaga ang sinumang konektado sa isang private energy firm sa nakalipas na dalawang taon – kesehodang corporate official, auditor, accountant o legal counsel. Yan mismo ang problemang bumabalot sa nominasyon bilang Energy Secretary ni Atty. Raphael Lotilla – bagay na inamin naman ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles. Ang totoo, hindi naman kontrobersyal si Lotilla. Katunayan, “low-profile” siya ayon sa mga kapwa ko peryodista. Ang siste, nananatiling board member pa rin pala ng Aboitiz Power ang nais italaga ng Pangulo. At heto pa, hindi lang pala siya sa isang energy company konektado. Pasok rin siyang board director ng isa pang pribadong kumpanyang nagnenegosyo ng enerhiya – ang ENE