PANGULONG MARCOS, NAG POSITIBO SA COVID 19 ANTIGEN TEST


Nag positibo sa covid 19 antigen test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Press secretary Trixie Cruz -Angeles na bahagyang nakararanas ng sinat ang Pangulo, subalit okay naman aniya ito.

Ayon kay Angeles, dahil nagpositibo si PBBM, mag-a-isolate na muna ito.




Mayroon sanang nakatakdang pulong  ang President mamayang gabi sa Palasyo kasama ang mga local na opisyal ng gobyerno  o mga  mayor at gobernador  para sa talakayin ang pagpapaigting ng bakunahan at booster shot para sa pagbabalik sa klase ng mga bata subalit hindi na ito makadadalo physically kundi virtual na lamang.

Inaasahang dadalo sa pulong si Vice President at Education Secretary Sara Duterte, mga opisyal ng DILG at DoH.
  
Magkakaroon sana ng Palace dinner sa pulong na ito, subalit hindi na itutuloy  para maiwasang wag magtanggal ng facemask ang mga dadalo.

Maging ang pagbisita ni PBBM sa US Embassy mamayang gabi para dumalo sa Ika-246 anibersaryo ng US Independence ay kinansela na.

Samantala, sinabi ni Angeles, na pinayuhan ng Presidential Management Staff o PMS ang mga nakasalamuha ng Presidente na obserbahan ang mga sarili sa posibleng sintomas ng Covid -19.



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES