PANGULONG MARCOS PINULONG ANG GABINETE , EKONOMIYA SENTRO SA USAPAN
Dateline Kamuning
Pinangunahan
ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang cabinet meeting sa
MalacaƱang ngayong Martes.
Nagsimula
ang cabinet meeting mag-a-alas nuebe ng umaga kung saan inatasan ni Marcos ang
kanyang economic team na pangunahan ang pulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng
overview sa sitwasyon ng ekonomiya sa bansa.
Binubuo ang
economic team ng Department of Finance, kasama sina Bangko Sentral ng Pilipinas
Governor Felipe Medalla at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
Kabilang
din sa mga dumalo sa meeting sina Vice President at Education Secretary Sara
Duterte-Carpio, Interior Secretary Benjur Abalos, Solicitor General Menardo
Guevarra at Executive Secretary Vic Rodriguez.
Inaasahang
tatalakayin din sa unang cabinet meeting ang administrasyong Marcos ang mga
usapin sa sektor ng edukasyon, agrikultura at transportasyon.
Comments