Spasiba, Rossiya
Matagumpay ang 5-araw ng pagbisita sa Rusya ni PDU30 na isinagawa ngayong buwag ng Oktubre.
Ayon kay Philippine Ambassador sa Russia na si Carlos “King” Sorreta maraming kansunduan ang nilagdaang pagitan ng Moscow at Manila. Umaabot sa mahigit na P600-milyong piso ang kasunduan na nilagdaan ng magkabilang panig.
Sa ‘arrival speech’ ng Pangulong Duterte matapos ang mahabang biyahe mula sa Moscow , sinabi nito na tumingkad pang lalo ang relasyon ng Pilipinas at Rusya na ‘nasindihan’ sa kanyang maikling pagbisita sa Moscow noong 2017 .
Maliban sa usapin ng ekonomiya at kalakalan, nagkasundo rin ang mga nakaupo sa Malacanang at Kremlin na magtulungan laban sa bangis ng terorismo at usapin ng regional security.
Binanggit ng PDU30 ang makasaysayang pagbisita o port call visit ng BRP Tarlac sa Vladivostok noong 2018. Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Philippine Navy na makadaong ang isang barko nito sa headquarters ng Russian Navy Pacific Fleet.
Ang pagtutulungan at kooperasyon ng Philippine at Russian Navy ay makaaambag sa pagpapanatili ng ‘regional security’ sa Asya at Pasipiko.
Mahalagang matutukan ang resulta ng pagbisita ng Pangulong Duterte sa Rusya dahil ilang mga nakapaloob na kasunduan ay may kinalaman sa ‘information exchange,’ pangingisda, energy at iba pa.
Sa usapin ng enerhiya, napapanahon na pag-aralan ng mga ‘stakeholder’ sa enerhiya ang karanasan ng mga Russian sa ‘nuclear energy.’
Malawak at mayaman ang karanasan ng mga Ruso pagdating sa industriya ng langis at gas lalo na sa mga plantang nukleyar.
Ayon nga kay Ambassador Sorreta, makakatulong ang mga Ruso sa ‘energy requirement’ ng mga Pilipino sa hinaharap.
Comments