Weekend spoiler

Tuwing 'weekend' na lamang, laging may'road re blocking' sa EDSA.

Kapag may 'road reblocking,' isa lang ang kahulugan, TRAPIK.

Kapag bumuhos pa ang malakas na ulan at sinabayan ng aksidente ang EDSA ay mistula ng malaking paradahan.

Mahahamon ang pasensiya ng mga motorista.

Hindi  makukumpleto ang taon, na walang magaganap na pagkukumpuni sa EDSA. Anong semento ba ang gamit at hindi tumagal ang kongkreto sa mga nagdaraang sasakyan?

Ang 'road reblocking' ay '"weekend spoiler". Pahirap ito sa mga tao na ang sasakyan o sinasakyang ay kinakailangan dumaan sa EDSA.  Kung sakto lang pera o pamasahe magbaon ka ng mahabang pasensiya ng hindi mabwisit sa kalsada.

Ang MMDA walang magawa kundi makiusap na lamang sa publiko na habaan ang pang unawa, katwiran ng ahensiya para din sa kapakanan ng lahat ang ginagawang 'road reblocking" EDSA.

Ano pa nga ba?

https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/711461/road-reblocking-on-edsa-causes-heavy-traffic/story/?lateststories

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES