PILIPINAS HINDI DAPAT SUMALI SA SANCTIONS MECHANISM NA ISINUSULONG NG ESTADOS UNIDOS LABAN SA RUSSIA
Dapat wala pang ring kampihan ang Pilipinas sa pagitan ng Russia at Ukraine na hindi pa rin natatapos ang gulo lalo pa’t may maayos na relasyon ang bansa sa Russia.
Ito ang pahayag ni incoming National Security Adviser (NSA) secretary Clarita Carlos, matapos matanong kung ano ang ipapayo niya kay incoming President Bongbong Marcos Jr. kaugnay sa walang tigil na pagtaas ng produktong petrolyo.
Ayon kay Prof Carlos, maaaring magsuplay ng langis at gas sa Pilipinas ang Russia sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasoline.
Sinabi ni Carlos na dapat wala pa ring kampihan ang Pilipinas sa pagitan ng Russia at Ukraine.
“Siguro we will take a mutual stance. Iyon naman talaga ang ginawa natin from the beginning, and we have a very robust relationship with Russia,” pahayag pa ni Carlos.
Ayon pa kay Carlos, na isang eksperto sa ‘geopolitics’ nasa hilagang bahagi ng bansa ang Russia at dapat samantalahin ito ng Pilipinas upang makakuha ng kinakailangang langis at gas.
At kung magbibigay siya ng payo kay PBBM sasabihIn niya rito na huwag sumali sa sanctions mechanism laban sa Russia na ginagawa ng Amerika.
Comments