Magandang Christmas
Nabakunahan na ba kayo?
Halos patapos na ang buwan ng Mayo at sa pinakahuling impormasyon na ipinalabas ng Malacañang simula ng umpisahan ang 'vaccination rollout' nasa mahigit 3 milyong mga Filipino pa lamang ang nabakunahan.
Katiting na bahagi ito sa higit isang daang milyong mga Pinoy, pero sabi nga ni Amang, maigi na ito kaysa sa wala.
Sa ngayong tanging ang mga nasa A1, A2 at A3 category pa lamang ang naturukan ng bakuna. Ang mga ito ay binubuo ng mga "health worker, senior citizen at mga may 'comorbidity.'
Ang iba hangang ngayon ay naghihintay pa rin sa bakuna.
Maliban sa kawalan ng sapat na suplay ng bakuna, ang ibang dapat na mabakunahan na ay 'nalampasan' o kaya naman ay sinadyang hindi magpakabuna dahil naghiintay ng ibang brand ng bakuna tulad ng 'Pfizer at Moderna.'
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pagpasok ng buwan ng Hunyo sisimulan na ang malawang pagbabakuna dahil inaasahan ang pagbuhos ng bakuna na tinatayang aabot sa mahigit 21 milyong bakuna bago pumasok ang buwan ng Hulyo.
Sana magtuloy-tuloy na ang pagbabakuna. At kahit nananatili pa rin ang agam-agam ng may karamihang Pinoy sa bakuna, hayaan na lang sila.
Hindi dapat maapektuhan ang overall effort ng gobyerno sa “ vaccination rollout.”
Unahin ang mga payag at handang magbakuna.
0000
Mula ng ilagay ang NCR Plus sa ECQ noong Abril hanggang ibaba sa MECQ with heightened restrictions, ngayon lang ako nakalabas at nakalanghap ng sariwang hangin.
Kung kaya naman at “doable” may isang lugar na maaring puntahan, ito ay ang Bonifacio High Street sa Lungsod ng Taguig.
Sariwa ang hangin, maraming lugar na pwede maupuan. Mayroon ding lugar para magbasa ng libro o kaya naman ay magsulat.
0000
Ang mga gwardiya o marshall na nagkalat. Magalang na ipinapaala sa publiko ang pagsusuot ng facemask at face shield. Organisado ang pagpasok at paglabas ng mga tao. Kaya maiiwasan ang salubugan sa entrance at exit area.
Kontrolado rin ang pasok ng mga naka-bike at mayroong 'common parking area' para sa mga bisekleta.
Sana ang mga ganitong lugar ay madoble sa metro manila.
30
Comments