Ang 'kapirasong papel'


Panahon na talaga ng eleksiyon. 

Kaya naman ang kaliwa't-kanang ingay sa kampo ng mga nagaambisyon sa pulitika ay dinig na. Kanya-kanya nang porma. 

At kahit na may pandemiya, si mama at aleng pulitiko sa gimik naghahanda na.

Wala namang masama dito. Talaga namang may mga tao na pulitika ang kanilang almusal, tanghalian at hapunan. 
 
Ang tawag nga dito ay altanghap.

Hindi pa nakakamumog sa umaga, pulitika na ang inaatupag.

Dahil isang taon na lang at eleksiyon na, asahan na ang mga pangakong mapapako.

0000

Napaguusapan na lamang ang pangako, isa sa mainit na naipangako noong eleksiyon 2016 ay ang pagsakay ng Jetski papuntang Spratlys. Si Pangulong Duterte ang nagsabi nito sa panahon ng kampanyahan. Kaya naman sinisingil ngayon ang Presidente.
 
Matatapos na ang kanyang termino subali't ang kanyang pangako ay nanatiling napapako.

Mangyayari ba ito, pwede pa. Maaring hindi na, dahil sabi ni Presidente mayroon siyang 'second hand' na Jetski, subalit ang spare parts na kanyang inorder ay hindi pa dumadating hanggang sa ngayon.

Maghintay na lang tayo.
 
Sabi kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan.

0000

Nabanggit na rin lamang ang Spratlys na matatagpuan sa West Philippine Sea, hinamon ng Pangulong Duterte si retired Associate Justice Antonio Carpio ng isang debate.

Agad kumasa ang retiradong mahistrado, kambyo naman ang Pangulo dahil sa bawa't salita na bibitawan ng Pangulo ay magigng bahagi ng 'state policy.' Sinabi na lamang ni PDu30, nakalimutan niya na siya pala ay Presidente.

May punto ang kampo ng Pangulo, anumang bitawang salilta ng Presidente maituturing itong isang 'state policy.'

Para naman sa kampo ni Carpio, kasado sila, lalo na't napapaulat na may plano ito sa eleksiyon.
 
0000
 
Bakit nga ba sa kalagitnaan ng laban sa Covid-19 pandemic, nasisingit pa ang usapin ng West Philippine Sea. 

Muling umigting ang usapin dahil sa pagkakadiskubre ng mahigit sa 200 mga barko ng Chinese militia sa Julian Felipe Reef.

Kaliwa't-kanan ang palitan ng akusasyon ng Manila at Beijing. Dito sa ating bansa, kitang-kitang ang pagkakahati ng mga Pilipino.

Hindi ba pwede magkaroon na lamang tayo ng iisang tinig pagdating sa mga usaping may kinalaman sa soberenya?
 
0000

Marahil napapanahon na ang 'debate' kaugnay sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ngayong palang habang malayo pa ang eleksiyon magkaroon na ng malawakang 'diskurso,' upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa WPS.
 
Ano nga ba talaga ang nakapaloob sa dokumneto ng "artbitral rulin" na pabor sa Pilipinas.
 
"Kapirasong papel" lang ba ito na pwedeng ibasura?

Ito ang dapat malaman sa 'debateng urong -sulong.' 

Ayon nga kay Prof Clarita Carlos, ituloy na ang debate. 

Tandem ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Retired Associate Justice Antonio Carpio.

Sa panig naman ng gobyerno si Presidential spokesman Harry Roque at dating Ambassador Bobi Tiglao o kaya naman si Amb si Rosario Manalo.

Matuloy sana ang debateng ito, para malaman ng taong bayan kung ano nga ba ang 'kapirasong papel' na ito.

-30-

 



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES