Good luck General
Unang ko nakilala si incoming PNP Chief PLt General Guillermo Eleazar noong siya ay Colonel pa lamang . Tanda ko ay Director siya ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa una palang kita ko na agad ang pagigi niyang "officer and a gentleman." Keep it up, Sir.
Sa pagupo ni Eleazar bilang hepe ng mahigit sa dalawang daang libong mga pulis sa bansa, may marching order na kaagad ang Pangulong Duterte, hulihin ang mga pasaway na hindi nagsusuot ng facemask.
Ibinaba ng Pangulo ang direktiba sa gitna ng mataas pa rin kaso ng infection ng Covid-19, Bagama't pababa ang trend batay sa projection ng mga eksperto, hindi pa rin dapat magpaka-kampante dahil ang iba't-ibang varian ng Covid -19 ay nakapasok na sa bansa. Pinakamalupit, ayon sa mga Covid experts, ay ang South African variant.
Ang Indian variant ay binabantayan at ayon sa DoH, ilang mga biyahero mula sa India ang nakapasok na sa bansa kahit may ipinatutupad ng travel ban ang Pilipinas mula sa India.
0000
Sa pagupo ni Eleazar bilang PNP Chief, sana ang kautusan ng Pangulo ay hindi maging daan o mitsa ng mga pangaabuso ng mga otoridad. Utos kasi ni PRRD, ikulong na aabot sa siyam na oras ang sinumang mahuhuling hindi nagsusuot ng facemask kapag lumabas ng bahay.
Buti na lang si Eleazar ang nasa tuktok, madaling makararating sa kanya ang anumang mga insidente ng paglabag, lalo kung nasasangkot ay mga alagad ng batas.
Good luck Mr General.
Comments