Posts

Showing posts from June, 2022

DEPLOYMENT NG OFWS SA IBANG BANSA, SUMISIGLA NA

Image
  Sumisigla nang muli ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naidi-deploy sa ibang bansa, kumpara noong 2020 o iyong unang taon nang pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, partikular na nanumbalik ang sigla ay ang sector ng ‘seafaring industry.’ Ang landbase naman, bagama’t hindi kasing bilis ng pagsigla ng seafaring industry, sinabi ni Olalia na nakapagtala ito ng 30 percent na pag-angat nitong 2021.     Unti-unti na rin aniyang nagbubukas ang mga bansa na itinuturing na traditional countries of destination, kabilang na ang Middle East, Europa, American region at ASEAN, kung saan nagde-deploy ng factory workers ang Pilipinas, dagdag pa ng administrador ng POEA. Ang Israel ay nagsimula na ring tumanggap ng mga hotel worker kung saan nasa higit 60 na ang naipadala ng pamahalaan.

PBBM AAKTO BILANG PANSAMANTALANG AGRICULTURE SECRETARY

Image
    Dateline Kamuning Para maseguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa si President-elect Bongbong Marcos (PBBM)   muna ang aakto bilang Agriculture Secretary ng bansa. Sa ngayon, ayon kay PBBM, maraming dapat tutukan sa sektor ng agrikuktura partikular ang pagpapalakas ng produksyon ng pagkain. Ayon sa incoming President, mahalaga ang magiging papel ng agrikultura bilang kritikal na pundasyon ng ekonomiya.  Dahil napipinto ang isang krisis sa pagkain sinabi ni PBBM na magreresulta ito ng pagtaas ng presyon ng pagkaina sa hinaharap kaya dapat lamang na paghandaan.    

MAYOR INDAY SARA, NANUMPA NA BILANG IKA-15 BISE PRESIDENTE NG PILIPINAS

Image
 Dateline Kamuning  Pormal nang nanumpa si Vice President-elect Sara Duterte bilang Ika-15 Bise President ng Pilipinas. Pinangunahan ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando ang panunumpa habang hawak ng kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman ang Bibliya na ginamit sa oath taking.   Sumaksi rin sa panunumpa ni Duterte ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at dumalo rin ang kaniyang naging running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dumalo rin sa okasyon si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez, ilang senador, kongresista, gobernador, at mga taga-suporta. Dumalo sa panunumpa ni Duterte ang kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio at mga anak na sina Stingray at StoneFish. Sa kaniyang mensahe, nanawagan si Duterte-Carpio sa mga Pilipino na magsama-sama sa pagbangon at patuloy na mahalin ang Pilipinas habang nabubuhay sa mundo.     "Hindi ako ang pinakamagaling o pinakamatalinong