Pagsasanay militar sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Kano nagaganao ngayon sa Palawan

 

Pormal na inilunsad ang Marine Aviation Support Activity o MASA 2022 na binubuo ng Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps Forces Pacific (USMCFP).

Nagimula ang military exercises noong June 6 at magtatagal hanggang June 17.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, ang pagsasasanay militar ay isinagawa sa Palawan.

Apat na C-17 aircraft ng US Air Force kasama ang US C-130 ang dumating sa bansa noong June 6 sakay ang mga amerikanong sundalong lumalahok sa MASA 2022.

Ang pagsasanay ay tututok sa sensor operations, air surveillance, air defense, at High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) infiltration.

Layunin ng MASA 2022 na mapa-angat pa ang combined at joint interoperability sa pagitan ng Sundalong Pilipino at US Marine Forces sa pagsasagawa ng combined tactical operations at heliborne operations.




Kabilang din sa gagawin sa pagsasanay ang coastal defense forward arming and refueling, at paguusapan din ang exchanges for unmanned aviation system at engineering kasama ang mga participants mula sa Naval Air Wing ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES