Panunumpa sa tungkulin ni PBBM gagawin sa National Museum


Dateline Kamuning


Sa makasaysayang National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022. 

Dating kilala bilang ‘Old Legislative Building’, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating Pangulo gaya nina Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946). 

Ayon kay dating Manila Representative at ngayo’y Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida "Naida" Angping, ang mga miyembro ng inaugural committee ay nagsagawa na ng ocular inspection at kanilang nakita na ito ang pinakamagandang venue para sa inagurasyon ni Marcos.



"The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos' inauguration.  Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then," sabi ni Angping. 

Sinabi rin ni Angping na kanilang inisip ang Quirino Grandstand bilang isang potential venue para sa inagurasyon ngunit napansin ng kanilang ocular inspection team na nakatayo pa rin ang ilang COVID-19 field hospitals sa lugar.

Dinisensyo ng Bureau of Public Works (ngayon ay DPWH) noong 1918 bilang bagong tirahan ng National Library of the Philippines habang natapos naman ang pagbuo nito noong 1926.  

Noong 1935, dito rin ginanap ang proklamasiyon ng Philippine Commonwealth at dati rin itong kilala bilang National Assembly Building. 

Nasira ito noong World War II at sumailalim sa  reconstruction mula 1949 hanggang 1950.

 



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES