MAYOR INDAY SARA, NANUMPA NA BILANG IKA-15 BISE PRESIDENTE NG PILIPINAS

 Dateline Kamuning 


Pormal nang nanumpa si Vice President-elect Sara Duterte bilang Ika-15 Bise President ng Pilipinas.

Pinangunahan ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando ang panunumpa habang hawak ng kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman ang Bibliya na ginamit sa oath taking.

 

Sumaksi rin sa panunumpa ni Duterte ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at dumalo rin ang kaniyang naging running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dumalo rin sa okasyon si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez, ilang senador, kongresista, gobernador, at mga taga-suporta.

Dumalo sa panunumpa ni Duterte ang kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio at mga anak na sina Stingray at StoneFish.

Sa kaniyang mensahe, nanawagan si Duterte-Carpio sa mga Pilipino na magsama-sama sa pagbangon at patuloy na mahalin ang Pilipinas habang nabubuhay sa mundo.

 

 

"Hindi ako ang pinakamagaling o pinakamatalinong tao sa Pilipinas o sa mundo ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Pilipino," ayon kay Duterte-Carpio.

Magsisimula ang termino ni Duterte-Carpio bilang pangalawang pangulo sa June 30.

 

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES