Posts

Showing posts from 2021

Magandang Christmas

      Nabakunahan na ba kayo? Halos patapos na ang buwan ng Mayo at sa pinakahuling impormasyon na ipinalabas ng Malacañang simula ng umpisahan ang 'vaccination rollout' nasa mahigit 3 milyong mga Filipino pa lamang ang nabakunahan. Katiting na bahagi ito sa higit isang daang milyong mga Pinoy, pero sabi nga ni Amang, maigi na ito kaysa sa wala. Sa ngayong tanging ang mga nasa A1, A2 at A3 category pa lamang ang naturukan ng bakuna. Ang mga ito ay binubuo ng mga "health worker, senior citizen at mga may 'comorbidity.' Ang iba hangang ngayon ay naghihintay pa rin sa bakuna.  Maliban sa kawalan ng sapat na suplay ng bakuna, ang ibang dapat na mabakunahan na ay 'nalampasan' o kaya naman ay sinadyang hindi magpakabuna dahil naghiintay ng ibang brand ng bakuna tulad ng 'Pfizer at Moderna.' Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pagpasok ng buwan ng Hunyo sisimulan na ang malawang pagbabakuna dahil inaasahan ang pagbuhos ng bakuna na tinatayang aabot s

Gibaan na

  Hindi na talaga mapipigilan.   Magkakapartido at magkakaalyado naglalaglagan na kung hindi man ay nagigibaan. Mapa-administrasyon at mapa-oposisyon talaga naman, kitang-kita na ang kanilang pagkakahati. Sa administrasyon, bagama't wala pang opisyal na line-up, ginigiba na ngayon si Senador Manny Pacquiao. PDP Laban si Pacman at napapaulat na may ambisyon  sa 2022. Hindi pa man ginigiba na ng kanyang mga kapartido dahil sa pahayag ng Pambansang Kamao sa West Philippine Sea, na taliwas sa posisyon ng Pangulong Duterte. Bago pa man ang pahayag ni Pacquaio, umalingasaw na ang pagkakahati-hati sa PDP Laban, mayroong grupong pabor at laban kay Pacquiao. 0000 Sa hanay naman ng oposisyon, hindi maganda para sa mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo ang pinakahuling pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV, na nagsasabing interesado ang ikalawang Pangulo sa pagiging gobernador ng Camarines Sur. Ayon kay Trillanes, handa siyang maging manok ng oposisyon sa 2022 elections. Ag

Ang 'kapirasong papel'

Panahon na talaga ng eleksiyon.  Kaya naman ang kaliwa't-kanang ingay sa kampo ng mga nagaambisyon sa pulitika ay dinig na. Kanya-kanya nang porma.  At kahit na may pandemiya, si mama at aleng pulitiko sa gimik naghahanda na. Wala namang masama dito. Talaga namang may mga tao na pulitika ang kanilang almusal, tanghalian at hapunan.    Ang tawag nga dito ay altanghap. Hindi pa nakakamumog sa umaga, pulitika na ang inaatupag. Dahil isang taon na lang at eleksiyon na, asahan na ang mga pangakong mapapako. 0000 Napaguusapan na lamang ang pangako, isa sa mainit na naipangako noong eleksiyon 2016 ay ang pagsakay ng Jetski papuntang Spratlys. Si Pangulong Duterte ang nagsabi nito sa panahon ng kampanyahan. Kaya naman sinisingil ngayon ang Presidente.   Matatapos na ang kanyang termino subali't ang kanyang pangako ay nanatiling napapako. Mangyayari ba ito, pwede pa. Maaring hindi na, dahil sabi ni Presidente mayroon siyang 'second hand' na Jetski, subalit ang spare parts na kan

Ang daming boses

Ano kaya ang sinasabi ng gobyerno ng mga bansang may 'claim' sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea sa bangayan ng ating mga opisyal na humantong sa hamunan ng debate?   Marahil pinagtatawanan tayo.   Saan ka naman nakakita, ang ating mga opisyal na mga aral at napakaraming titulo sa pagiging dalubhasa ay parang mga bata na nagbabangayan, nagtatalo at naghahamunan. Kapag may kumasa, laban-bawi. Ano ba yan.   Hindi ba pwedeng magkaroon na lamang ng iisang boses pagdating sa kapakanan ng bayan, tulad sa West Philippine Sea (WPs)?   0000 Ano ba ang mahalaga ngayon sa mga Filipino?   Una, mabakunahan para makatawid laban sa Covid-19.    Nais ng nakararami na maibalik ang dating sigla ng kanilang buhay. Walang agam-agam na mahahawa o makahawa ng virus.    Ang kalaban ay nasa loob. Nasa pintuan ng bawat Filipino.  Asikasuhin muna ang pangloob na problema. Palakasin ang depensa sa bakuran laban sa Covid, magkaroon ng bakuna ang lahat.   Marami na ang walang makain at makik

Good luck General

Unang ko nakilala si incoming PNP Chief PLt General Guillermo Eleazar noong siya ay Colonel pa lamang . Tanda ko ay Director siya ng Quezon City Police District (QCPD). Sa una palang kita ko na agad ang pagigi niyang "officer and a gentleman."  Keep it up, Sir. Sa pagupo ni Eleazar bilang hepe ng mahigit sa dalawang daang libong mga pulis sa bansa, may marching order na kaagad ang Pangulong Duterte, hulihin ang mga pasaway na hindi nagsusuot ng facemask. Ibinaba ng Pangulo ang direktiba sa gitna ng mataas pa rin kaso ng infection ng Covid-19, Bagama't pababa ang trend batay sa projection ng mga eksperto, hindi pa rin dapat magpaka-kampante dahil ang iba't-ibang varian ng Covid -19 ay nakapasok na sa bansa. Pinakamalupit,  ayon sa mga Covid experts, ay ang South African variant. Ang Indian variant ay binabantayan at ayon sa DoH, ilang mga biyahero mula sa India ang nakapasok na sa bansa kahit may ipinatutupad ng travel ban ang Pilipinas mula sa India. 0000  Sa pagupo n

Sinopharm talaga

  Sinopharm talaga    Naturukan na ng unang dose ng bakuna ang Pangulong Dutere.   Bakunang Sinopharm mula sa China ang itinurok sa Presidente. Katulad ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang Sinopharm ay pinayagan magamit sa Pilipinas dahil sa 'compassionate use' na ipinagkaloob Food and Drug Administration at wala pa ito tinatawag na 'emergency use authorization' o EUA. Noon pa man sa mga pahayag ng Pangulo makikita ang pagkiling ng Presidente sa Sinopharm. Walang masama rito. Dapat lang ligtas ang Pangulo sa anumang banta lalo sa kanyang kalusugan.   Tiyak bago pa mang naiturok ni Health Secretary Francisco Duque ang bakuna sa Presidente ay inaprobahan na ito ng mga doktor ng pangulo. Ngayon nakabunahan na si Pangulong Duterte, kailan naman kaya susundo ang ikalawang Pangulo Leni Robredo?   0000 Sa ngayon tanging Sinovac, AstraZeneca at ang pinakahuli ay ang Sputnik V ng Russia ang pinapayagang maiturok sa mga Pilipino.    Ang mga bakunang Moderna, P

Loyalty Check

  Loyalty Check  Parang kabuteng nagsulputan ang mga 'communit pantry' sa iba't-ibang bahagi ng bansa na nagsimula sa isang lamesang kawayan sa Maginhawa street, Teachers Village Quezon City. Ang pagsikad ng sinimulang 'community pantry' ay hindi naging mahirap, dahil agad itong sumirit, salamat sa mga kontrobersiyal na pahayag ng nakapuna dito. Dahil nga may pandemiya, agad itong nakatawag ng pansin ng madla, na ngayon ay mas lalong kilala sa tawag na 'netizen.'  Ang lamesang kawayan na may lamang samu't-saring pagkain na panawid gutom  ay agad nag-viral sa social social media. Kaliwa't kanang komento ang naglutangan mula sa mga grupong dati ng hati. Ang grupong DDS at Dilawan, nagpalitan ng kani-kaniyang opinyon at minsan makakabasa tayo ng pahayag na 'masakit pakinggan.' 0000 Habang umiinit ang isyu ng 'community pantry' natabunan ang isang isyu na kasabay nitong lumutang ang napaulat na  grupong 'Viber 500." Ang grupong i